FEU, pasok sa Final Four ng UAAP Season 8

By Justinne Punsalang November 12, 2017 - 12:35 AM

Pasok ang Far Eastern University Tamaraws sa Final Four ng UAAP Season 80 Men’s Basketball Tournament matapos talunin ang Adamson University Soaring Falcons sa iskor na 71-54.

Bagaman hindi natanggal sa ikatlong pwesto ang Adamson ay naging daan naman ang kanilang pagkatalo para makapagtala ang FEU ng 7-7 na win-loss record, dahilan para mawala ang UP Fighting Maroons, na nakapagtala naman ng 6-8 record, sa Final Four race.

Ayon sa head coach ng Tamaraws na si Olsen Racela, sinabihan niya ang koponan na huwag magpa-distract sa maaaring magiging resulta ng kanilang laban at mag-focus lamang sa pagbibigay ng kanilang best para sa laro.

Pinangunahan ni Arvin Tolentino ang Tamaraws matapos magtala ng 14 points, habang 10 puntos naman ang naibigay ni Prince Orizu.

Para naman sa Falcons, si Rob Manalang ang nanguna sa iskor na 15, habang 10 puntos ang naibigay ni Papi Sarr.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.