Isang UK magazine, humingi ng paumanhin kay Lupita Nyong’o matapos i-edit ang kanyang buhok para sa cover

By Justinne Punsalang November 12, 2017 - 12:32 AM

Humingi ng paumanhin kay Lupita Nyong’o ang British magazine na Grazia UK matapos mag-react ang aktres sa pag-edit umano nito sa kanyang buhok para sa cover ng kanilang magazine.

Sa isang Twitter post, ipinakita ni Nyong’o ang before at after na mga litrato niya para sa naturang photoshoot.

Ayon sa aktres, in-edit ng magazine ang kanyang buhok para umano mag-fit sa Eurocentric na konsepto ng kagandahan.

Ginamit pa ng Academy Award winner ang hashtag ma DTMH na ibig sabihin ay “don’t touch my hair.”

Sa isa namang Instagram post, sinabi ni Nyong’o na matagal pa bago matapos ang laban patungkol sa ‘unconscious prejudice’ sa kutis at buhok ng mga kagaya niyang ‘black woman.’

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.