Mga tupa, kayang makilala ang mukha ng tao ayon sa pag-aaral ng Cambridge University

Naglabas ng pag-aaral ang Cambridge University kung saan nakasaad na kayang makakilala ng mga mukha ng tao ang mga tupa.

Bukod pa dito ay lumabas sa pag-aaral ng Cambridge na kaya ring makilala ng mga tupa ang kanilang mga tagapag-alaga bagaman hindi sila trained dito.

Ayon sa mga nagsagawa ng pag-aaral, maaaring makatulong ang naturang abilidad ng mga tupa sa pag-aaral tungkol naman sa Huntington’s disease at iba pang human brain disorders kung saan naaapektuhan ang mental processing ng mga tao.

Ayon sa lead scientist na si Professor Jenny Morton na mayroong mas advanced face recognition abilites ang mga tupa kung ikukumpara sa mga tao at mga unggoy.

Kasama sa mga nakilala ng mga tupa ay ang mga mukha nina dating US president Barack Obama at Emma Watson.

Naka-publish ang kabuuan ng pag-aaral ng Cambridge sa Royal Society: Open Science.

Read more...