Miyembro ng Hashtags na si Franco Hernandez, nasawi dahil sa pagkalunod

By Rhommel Balasbas November 11, 2017 - 10:55 PM

Nasawi dahil sa pagkalunod ang isa sa mga miyembro ng boy group na “Hashtags” ng It’s Showtime na si Franco Miguel Hernandez.

Ayon sa report ni PO2 Rolly Canod, nangyari ang insidente ng pagkalunod ng talent kaninang tanghali.

Nagtungo si Hernandez kasama ang co-Hashtag member niyang si Tom Doromal sa Tom’s Resort sa Davao Occidental.

Sakay ang biktima ng isang motorized banca kasama ang kanyang girlfriend at si Doromal nang sumalubong sa kanila ang isang malaking alon.

Nahulog sina Hernandez at Doromal mula sa bangka ngunit agad namang sinagip ng crew.

Wala nang malay si Hernandez nang maiahon at agad na isinugod sa Estacion Medical Clinic sa bayan ng Malita ngunit idineklarang dead on arrival.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.