CGMA nag-host ng dinner para sa mga delegado ng ASEAN Summit sa Pampanga
Tumayong host sa isang welcome dinner si dating Pangulo at ngayo’y Pampapanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo para sa mga delegado ng 31st Southeeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Present sa nasabing pagtitipon ang mga naunang ASEAN leaders na dumating kanina sa bansa na sina Cambodian Prime Minister Hun Sen at Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi.
Ang nasabing pagtitipon ay kasalukuyang ginaganap sa Midori Hotel sa Clark Field sa Pampanga.
Ilang mga dating opisyal rin ng administrasyong Arroyo ang dumalo sa pagtitipon bukod pa sa ilang mga mambabatas.
Nilinaw ng organizing committee ng ASEAN Summit na ang nasabing dinner ay sariling inisyatibo ng dating pangulo.
Bukas, araw ng Linggo at sa Lunes inaasahang darating sa bansa ang iba pang world leaders na dadalo sa ASEAN Summit.
Si Pangulong Rodrigo Duterte naman ay nakatakdang dumating sa bansa mamayang 10:30 ng gabi mula sa kanyang pagdalo sa ginanap na APEC meeting sa Vietnam.
Kasabay ng pagtitipon sa Pampanga ang ginaganap na welcome dinner para sa mga economic minister na ginaganap sa Marriot Hotel sa Pasay City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.