Nakapaloob ito sa kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Japan para maglagay ng apat na coast guard stations sa karagatan na nasa pagitan ng bansa at ng Indonesia.
Layon nitong masawata ang malawakang pamimirata sa lugar na pangunahing daanan ng mga mangangalakal.
Ang pondo ay magmumula sa Overseas Development Aid (ODA) ng Japan na bahagi ng aid package para naman sa military, mga imprastraktura at tulong sa pagbangon ng Marawi city.
Sa susunod na linggo ay inaasahang malalagdaan ang kasunduan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Prime Minister Shinzo Abe.
Ayon sa report, nasa tatlumpung piracy incidents ang naitala sa Celebes Sea sa unang bahagi ng kasalukuyang taon.