Pinuno ng Cambodia at Myanmar darating ngayong araw para sa ASEAN Summit
Naglabas ng advisory ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at ang mga organizer ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na asahan ang pagsasara ng ilang bahagi ng North Luzon Expressway, SCTEX at Edsa mamayang tanghali at hapon.
Sa nasabing mga kalsada dadaan ang convoy ng ilang mga ASEAN leaders na nakatakdang dumating ngayong araw papunta sa kanilang mga tutuluyang hotel sa Metro Manila.
Alas-onse ng umaga mamaya ay inaasahang lalapag sa Clark Airbase ang eroplanong sinasakyan ni Cambodian Prime Minister Hun Sen.
Susundan naman ito ng pagdating ni Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi ganap na ala-una ng hapon.
Bagaman nananatiling bukas ang ilang bahagi ng Roxas Blvd. sa publiko sa Lunes ay ipatutupad na dito ang complete lockdown ayon sa mga otoridad.
Maaga pa lamang kanina ay maraming mga tauhan na ng Philippine National Police ang naka-deploy sa kahabaan ng Edsa at inilatag na rin ang ilang road divider kasabay ang paglalaan ng dalawang lane para sa ASEAN delegates.
Muling ring inulit ng PNP ang kanilang paalala sa kanilang mga tauhan na bawal ang paggamit ng cellphone habang naka-duty kaugnay sa ASEAN Summit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.