Duterte: Mas gusto ng AFP ang babaeng pangulo

By Den Macaranas November 11, 2017 - 08:43 AM

Inquirer photo

Naging sarcastic ang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte nang siya’y tanungin kung ano ang kanyang reaksyon sa ginawang pagtatanong ni Vice President Leni Robredo sa mga opisyal ng militar kaugnay sa isyu ng revolutionary government.

Sinabi ng pangulo na tinanong din niya ang ilang opisyal ng Armed Forces of the Philippines kung ano ang kanilang saloobing sakaling itaguyod ang revolutionary government sa bansa.

Sumagot umano ang mga ito na tama ang ginawang pagtutol ni Robredo sa nasabing isyu.

Pabirong sinabi ng pangulo na susundin ng mga sundalo si Robredo dahil mas gusto nila ang isang babaeng pangulo ng bansa.

Tama rin ayon kay Duterte ang ginawang pagtatanong sa isyu ni Robredo nang kausapin niya tungkol sa balitang pagtatayo ng revolutionary government si AFP Chief of Staff Rey Leonardo Guerrero.

Nauna nang sinabi ng pangulo na hindi siya magdadalang-isip na magtayo ng revolutionary government kapag nagpatuloy ang pagtatangka ng ilang grupo na pabagsakin ang kanyang administrasyon.

Ilang beses na ring itinanggi ng U.S na may kinalamana sila sa anumang balak na destabilisasyon laban sa kasalukuyang pamahalaan.

Pero sa kanyang mga naunang pahayag, sinabi ng pangulo na hindi na siya magtataka kung ang U.S ay nasa likod ng mga pagtatanggakang itaob ang kanyang pamahalaan.

TAGS: AFP, duterte, revolutionary government, Robredo, AFP, duterte, revolutionary government, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.