Hiling na makapagpyansa ni Zaldy Ampatuan ibinasura ng hukuman

 

Inquirer file photo

Hindi pinagbigyan ng korte ang petisyon ni dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan, isa sa mga pangunahing akusado sa Maguindanao Massacre, para makapagpiyansa sa upang pansamantala itong makalaya.

Sa text message sa media, kinumpirma ni Justice Secretary Leila de Lima na ‘denied’ ang naging desisyon ni QC RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes sa petition for bail ni Zaldy Ampatuan.

Pinapurihan ng kalihim ang prosecution panel na nag-giit na hindi dapat makalabas ng piitan ang isa sa mga pangunahing suspek sa pagmasaker ng higit 50 katao karamihan ay miembro ng media noong November 23, 2009.

Dahil sa pagbasura sa bail petition ni Zaldy Ampatuan, uusad na ang pagdinig ng reklamo laban sa kanya.

 

 

Read more...