Sa pinakahuling advisory ng PAG-ASA, namataan ang bagyo sa layong 385 kilometro sa Kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo pa Hilagang-Kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Samantala, isang Low Pressure Area o LPA naman ang namataan sa 875 kilometro Silangan ng Davao City, Davao del Sur.
Inaasahang magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat at pagkulog ang iiral na panahon sa CARAGA, Davao Region at SOCCSKSARGEN.
Sa Metro Manila naman at sa nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap at makararanas ng paminsan-minsang pag-ulan.