3 sugatan sa pananagasa ng sasakyan sa mga estudyante sa France

By Kabie Aenlle November 11, 2017 - 06:05 AM

Sugatan ang tatlong estudyanteng Chinese matapos sadyang banggain ng isang lalaki ang grupo ng mga tao sa labas ng paaralan sa Toulouse, France.

Kilala ng mga pulis ang 28-taong gulang na suspek dahil sa mga minor offenses na nagawa na nito noon, pero hindi naman siya kabilang sa terrorism watchlist.

Patuloy namang ginagamot ang isa sa tatlong sugatang estudyante dahil sa natamo nitong matinding head injury.

Sa ngayon ay hindi pa ikinukonsiderang may kinalaman sa terorismo ang nasabing insidente, pero nananatili pa rin ito sa kanilang mga ikinukonsidera.

Matagal na umanong may problema sa pag-iisip ang suspek, at na-ospital pa hanggang Disyembre ng nakaraang taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.