Pinakamalaking warship ng Japan, maglalayag sa Korean Peninsula

By Rhommel Balasbas November 11, 2017 - 05:50 AM

Maglalayag sa karagatang malapit sa Korean Peninsula ang pinakalamaking barkong pandigma ng Japan.

Sasamahan ito ng tatlong aircraft carriers ng United States para magsagawa ng naval exercises sa darating na Linggo ayon sa Japanese Maritime Self Defense Force.

Ang pagpapakita ng pwersang ito ay isasagawa matapos ang pakikipagpulong ni US President Donald Trump sa mga world leaders sa Asia Pacific Economic Cooperation sa Vietnam.

Matatandaang mariing tinututulan ni Trump at iginigiit sa North Korea na itigil na nito ang kanilang nuclearization.

Ang tatlong American carriers na USS Ronald Reagan, USS Nimitz, USS Theodore Roosevelt ay unang beses na muling sasailalim na magsasanay nang magkakasama matapos ang isang dekada.

Samasamahan ng American carriers na ito ang mga barkong pandigma ng Japan na Ise, Inazuma at Makinami.

Kapag pinagsasama, kayang taglayin ng tatlong US carriers ang 200 aircrafts at F-18 strike fighters. / Rhommel Balasbas

Excerpt: Inanunsyo ang pagsasagawa ng naval drills matapos ang pakikipagpulong ni Trump sa mga lider sa APEC Summit.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.