Fans ni Isabel Granada, pinakikiusapang itigil ang pag-share ng picture nito habang nakaburol

By Rhommel Balasbas November 11, 2017 - 05:45 AM

Umaapela ang pamilya at mga kaibigan ng yumaong aktres na si Isabel Granada na itigil ng fans ang pagkuha ng larawan dito habang nasa kabaong at i-share ito sa social media.

Ito ay matapos kumalat ang picture ng aktres na parang si “Sleeping Beauty” tulad ng ipinangako ng kaibigan niyang si Bianca Lapus.

Sa post nina Chuckie Dreyfus, Bianca Lapus, at Nadia Montenegro, iginiit ng mga ito na kawalang respeto ang ginagawa ng mga netizens.

Ito ay sa kabila ng mga paalala at signages sa burol na bawal kumuha ng litrato.

Ipinaalala rin ni Lapus na mismong ang ina nga nitong si “Mama Guapa” ay ayaw makita ang anak na nasa ganoong kalagayan pero ang mga netizens ay ikinakalat pa ang larawan ng yumaong aktres.

Kasalukuyang nakaburol ni Isabel sa Santuario de San Jose Parish sa Greenhills, Mandaluyong City.

Nakatakda namang ilibing ang aktres bukas, araw ng Linggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.