Endorso ni PNoy, inaasam pa rin ni Binay

June 10, 2015 - 04:53 AM

Binay via Ricky
Kuha ni Ricky Brozas

Umaasa pa rin si Vice President Jejomar Binay na ikukunsidera siya ni Pangulong Aquino na kanyang kapalit o bilang Presidential bet sa 2016 elections.

Sa lingguhang kapihan sa Manila Bay Media Forum, sinabi ni Binay na may paniniwala pa rin siya na darating ang oras na ikukunsidera siya ng Pangulo.

Hanggang sa huli at hanggang sa araw ng halalan ay aasa umano siyang makukuha ang endorse ni PNoy.

“Hanggang araw ng halalan ay naroon ang aking baka sakali na i-consider ako ni PNoy, umaasa ako hanggang sa huli. Nandun pa rin ang aking paniniwala na pagdating ng oras ay dadating ako sa yugto na kokonsiderahin ako as presidential bet,” ayon kay Binay

Ipinahiwatig pa ni Binay na mayroon naman siyang nakukuhang “suporta na patalikod” pero tumanggi na itong magbigay ng detalye kung patungkol ito sa suporta sa kanya ng Pangulo.

Samantala, sinabi ni Binay na iianunsyo niya sa tamang panahon kung kailan siya magbibitiw bilang gabinete bilang paghahanda sa eleksyon sa susunod na taon.

Nais din ni Binay na isang “implementor” at may “executive ability” ang magiging running mate niya.

Nang tanungin kung qualified bang maging Vice President si Duterte, sumagot si Binay na “Duterte is very, very qualified.”/ Len Montaño

TAGS: 2016, binay, elections, PNoy, Radyo Inquirer, 2016, binay, elections, PNoy, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.