4 na bihag ng Abu Sayyaf, nailigtas ng militar sa Tawi-Tawi

By Kabie Aenlle November 11, 2017 - 05:40 AM

Kinumpirma ng militar na nasagip nila ang apat na Vietnamese na bihag ng Abu Sayyaf Group sa Tawi-Tawi.

Ayon kay Western Mindanao Command (Wesmincom) spokesperson Capt. Jo-ann Petinglay, nailigtas ng mga sundalo ang mga bihag na sina Buy Xuan Vien, Bui Trung Duc, Nguten Quang Huy at Nguyin Huu Trong na sampung buwan nang hawak ng mga bandido.

Ito’y bunsod ng matagumpay na operasyong isinagawa ng Naval Forces Western Mindanao at ng Joint Task Force Tawi-Tawi.

Gayunman, ibinalita rin ni Petinglay na isa sa mga kasama ng mga bihag na si Huu Trong ay nasawi habang nasa kamay ng Abu Sayyaf dahil sa matagal nang iniindang sakit.

Narekober naman ng militar ang mga labi ng isa pang bihag na kinilalang si Huu Trong na sinasabing namatay sa sakit.

Ang nasabing mga bihag ay dinukot ng Abu Sayyaf noong February 25 habang sakay ng MV Giang Hai 5 sa Pearl Bank na nasasakupan ng Pangutaran, Sulu.

Kinumpurma rin ni Median na may pitong mga dayuhang bihag pa ang Abu Sayyaf pero tumanggi siyang sabihin ang nationality ng mga ito.

Kamakailan ay ipinag-utos ng liderato ng Wesmincom ang pagdurog sa mga kuta ng Abu Sayyaf makaraang mapatay ang lider nito na si Isnilon Hapilon sa Marawi City.

Kagabi ay hindi nakadalo sa APEC Gala Dinner ang pangulo sa Vietnam dahil inasikaso umano niya ang pagrescue sa nasabing mga bihag.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.