Aquino: Purisima, kinonsulta sa Oplan Exodus bilang resource person at hindi PNP chief

By Hani Abbas November 11, 2017 - 03:09 AM

Inquirer / Lyn Rillon

Hindi bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) kundi resource person ang ginampanan ni dating PNP chief Alan Purisima sa pagpaplano sa operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.

Ipinahayag ito ni dating Pangulong Benigno Aquino III makaraang maglagak ng pyansa sa kasong kinakaharap kaugnay ng Oplan Exodus.

Aniya, kinonsulta niya lamang si Purisima ukol sa operasyon dahil may kaalaman ito sa lugar. Ito ay sa gitna ng pagkakasuspinde ni Purisima.

Ang oplan exodus ay operasyon laban sa Malaysian bomb maker na si Zulkifli bin-Hir alyas Marwan at Pilipinong bandidong lider na si Basit Usman noong January 25, 2015.

Nahaharap sa kasong graft at usurpation of official function dahil hinayaan nitong makialam si Purisima sa pagpaplano ng Oplan Exodus.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.