Kaso laban sa babaeng umano’y recruiter ng ISIS, ipinababasura
Hiniling ng babaeng inakusahang recruiter ng teroristang grupong ISIS na ibasura ang mga kasong rebelyon at pag-uugyok ng rebelyong kinakaharap niya.
Sa kanyang isinumiteng counter affidavit, iginiit ni Karen Aizha Hamidon na nauudyukan lamang umano siya ng ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na gawin ang krimen.
Ayon kay Hamidon, nakilala niya ang isang “J.A.” na ahente umano ng NBI l sa Facebook noong September 2016.
Aniya, ginamit ni J.A. bilang profile picture ang larawan ni Junaid Hussain Al Bitani, ang British jihadi na napatay sa Syria noong 2015.
Nagpakilala umano ito bilang Murabit o sundalong Muslim na nakabase sa Mindanao. Sumali sina Hamidon at J.A. sa Telegram group na “Salungat ng Taghut.”
Ayon kay Hamidon, pinagawa umano siya ng ahente ng itim na badila ng ISIS, at mag-record ng video ng kanyang panunumpa ng pakikipag-alyansa sa grupo. Gayunman, aniya, tinanggihan niya ito.
Dagdag ng umano’y Maute group-ISIS recruiter, inaresto siya nang walang arrest warrant. Inaresto si Hamidon noong October 11 nang tatanggapin niya ng Wifi gadget at ilang SIM card na ipinadala ni J.A.
Nang kukunin na niya ang package, dito na siya inaresto siya ng mga otoridad na nagpanggap bilang authorized representative ng Grab Express.
Giit ni Hamidon, wala siyang ginawang krimen sa mga panahong iyon.
Sinabi pa ni Hamidon na wala siyang ginawa sa alinman sa mga elemento ng rebellion at inciting rebellion dahil kailanman ay hindi siya nag-armas laban sa gobyerno at walang ebidensya na siya ay tumiwalag sa pamahalaan.
Kinasuhan ng NBI-Counter-Terrorism Division ng 296 na bilang ng inciting rebellion si Hamidon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.