Cebu Pacific, nag-abiso sa mga pasahero; biyahe sa kasagsagan ng ASEAN Summit maaring maantala

Nagpaabiso na ang Cebu Pacific sa mga pasahero na mayroong naka-schedule na flight sa kasagsagan ng ASEAN Sumiit.

Ayon sa airline company, simula alas 12:00 ng tanghali sa Linggo, November 12 hanggang sa November 15, 2017 ay posibleng makaranas ng delay sa mga flight dahil sa ASEAN Summit Activities.

Ang mga pasahero na mayroong biyahe sa nabanggit na mga petsa ay mayroon namang opsyon na iba-rebook ang kanilang mga biyahe ng mas maaga o bago mag Nov. 15 o ‘di kaya ay magpa-refund ng kanilang pamasahe.

Humingi naman ng pang-unawa ang Cebu Pacific sa mga maaapektuhang pasahero.

 

 

 

 

 

 

Read more...