Nananatiling si Pangulong Rodrigo Duterte ang maitituring na most approved at trusted president sa nakalipas na apat na chief executives ng bansa base sa latest survey ng Pulse Asia.
Sa September 2017 survey, nakakuha si Duterte ng 80 percent na trust at approval rating, na mas mataas sa ratings na nakuha ng mga sinundan niyang dating Pangulo na sina Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo at Benigno Aquino III.
Lumalabas na si Duterte ay mayroong average performance approval rating na 81.8 percent sa pagitan ng September 2016 at September 2017 at average trust rating na 82.8 percent sa pagitan naman ng July 2016 at September 2017.
Mataas ito kumpara sa approval at trust ratings ng mga sinundan niyang dating pangulo ng bansa.
Ito ay sa kabila ng tinatanggap na kritisimo ng pangulo mula sa iba’t ibang local at international groups hinggil sa war on drugs ng administrasyon.