Honeylet Avanceña, ipapasyal sa CCP ang asawa ng mga world leader na dadalo sa ASEAN Summit
Pangungunahan ng partner ni Pangulong Rodrigo Dutete na si Honeylet Avanceña ang pag-tour sa asawa ng mga world leaders na dadalo sa ASEAN Summit sa susunod na linggo.
Partikular na ipapasyal ni Avanceña ang asawa ng mga world leaders sa Cultral Center of the Philippines (CCP) Little Theater sa November 13.
Sa naturang tour, ibibida ng National Commission for Culture and the Arts ang mga artifacts, images, at text na nagtatampok sa mayamang kasaysayan ng Southeast Asian people sa mga nakalipas na taon.
Isang spouses luncheon din ang isasagawa sa Manila Hotel kung saan hahainan ang mga bisita ng “four course Filipino menu” na ihahanda ng Executive Chef na si Konrad Walter.
Isang fashion show naman ni Randy Ortiz na tinaguriang “Manila Wear” ang ibibida sa naturang tanghalian.
Bukod dito, mamimigay din si Avanceña ng personal token na chocolate na world renowed produced sa Malagos, Davao City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.