Bagyong Salome magpapaulan pa rin sa Luzon
Kahit papalayo na ng bansa, magpapaulan pa rin ang Tropical Storm Salome sa ilang bahagi ng Luzon.
Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa 190 kilometers West Northwest ng Iba, Zambales.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.
Ayon sa PAGASA, ang outer rainbands ng bagyong Salome ay maghahatid pa rin ng kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Cagayan Valley, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at sa mga lalawigan ng Aurora, Zambales, Bataan, Cavite and Batangas
Nagbabala ang PAGASA na maaring pa ring makaranas ng flashfloods at landslides sa nasabing mga lugar.
Samantala, ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas pa rin ng pag-ulan dahil sa thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.