Dating Sen. Jinggoy Estrada pinayagan ng Sandiganbayan na samahan ang ama na magpagamot sa Singapore
Pinayagan ng Sandiganbayan si dating Senador Jinggoy Estrada na samahan ang kaniyang ama na si Manila Mayor Joseph Estrada sa sampung araw na medical trip sa Singapore.
Sa resolusyon ng Fifth Division ng anti-graft court, sinabing ang “right to travel” ay isang “constitutional right”.
Ang Fifth Division aypinamumunuan ni Associate Justice Rafael Lagos bilang chairperson at miyembro namana sina Associate Justices Maria Theresa Mendoza-Arcega at Lorifel Pahimna.
Naglatag naman ng kondisyon ang korte sa pagpayag nitong maka-biyahe si Estrada.
Ayon sa Sandiganbayan sa Singapore lamang maaring pumunta ang dating senador.
Inatasan din si Estrada na maglagak ng travel bond na nagkakahalaga ng P2.6 million para sa kaniyang biyahe mula sa Sabado, Nov. 11 hanggang sa Nov. 20.
Si Estrada ay nahaharap sa kasong plunder sa Sandiganbayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.