Listahan ng 24 na “narcopoliticians” bunga ng pag-aaral ng Inter-Agency Validation Task Force

By Rohanisa Abbas November 10, 2017 - 05:45 PM

Inquirer Photo | Noy Morcoso

Nilinaw ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na hindi lamang sa kanila nagmula ang listahan ng umano’y narcopoliticians na ginawang batayan sa pagtanggal ng police powers sa 24 na opisyal ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay PDEA chief Aaron Aquino, ang naturang listahan ay bunga ng Inter-Agency Validation Task Force.

Aniya, simula nang matanggap ng PDEA ang listahan ng narcopoliticians mula kay Pangulong Rodrigo Duterte, ay nagsimula nang mag-imbestiga ang naturang Task Force.

Ito ay binubuo ng PDEA, Philippine National Police – Directorate for Intelligence, Intelligence Service ng Armed Forces at National Intelligence Coordinating Agency.

Kasabay nito, pinapurihan ni Aquino ang hakbang ng Department of Interior and Local Government ang pagtanggal ng kapangyarihan sa pulisya sa mga opisyal na umano’y narcopoliticians.

Tinanggalan ng National Police Commission (Napolcom) ng police powers ang isang gobernador at 23 alkalde.

Batay sa resolusyon may petsang October 30, ipinag-utos ito ni DILG officer-in-charge Catalino Cuy. Aniya, batay ito sa listahang ipinadala ng PDEA.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: governors, LGUs, Local government officials, Mayors, Napolcom, narcopoliticians, PDEA, Radyo Inquirer, governors, LGUs, Local government officials, Mayors, Napolcom, narcopoliticians, PDEA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.