Pangulong Duterte, nakahandang mag-host ng World Summit kaugnay sa human rights

By Dona Dominguez-Cargullo November 10, 2017 - 05:20 PM

Presidential Photo

Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-host ng isang World Summit na tatalakay sa usapin sa human rights.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa gitna ng kaliwa’t kanang batikos mula sa international communities na laganap na umano ang human rights violation sa Pilipinas dahil sa pinaigting na kampanya kontra sa ilegal na droga.

Sa press conference ng pangulo sa Vietnam, sinabi nito na hindi lang dapat nakasentro sa human rights violations sa Pilipinas ang naturang summit kundi pati ang nagaganap na paglabag sa karapatang pantao sa buong mundo.

Kinukwestyon din ng pangulo ang mga kritiko kung bakit pinag-iinitan ang Pilipinas gayung mas maraming bata ang pinapatay at minamasaker sa Amerika, Middle East at sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Human Rights, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, World Summit, Human Rights, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, World Summit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.