Gaganapin sa Pilipinas ang kauna-unahang Southeast Asia Prix Jeunesse, isang video festival ng mga bata at para sa mga bata.
Pinangunahan ng Anak TV Foundation na binubuo ng lahat ng TV networks sa bansa, at sa pakikipagtulungan Council for the Welfare of Children ang naturang timpalak na gaganapin sa November 27-29.
Ayon kay Elvira Yap-Go, presidente ng Anak TV, ang naturang video festival ay lalahukan ng mga entries mula sa 10 bansa na miyembro ng ASEAN, kabilang ang Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao People’s Republic, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam, at Pilipinas.
Ayon pa kay Yap-Go, ito’y bilang tugon na rin sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtulungan ang pribado at government sector para sa kinabukasan ng kabataan.
10 delegado mula sa Pilipinas ang lalahok sa naturang kompetisyon, na lalaban sa iba’t ibang mga kategorya.
Layunin ng naturang patimpalak na isulong ang karapatan ng mga bata, at magkakaroon ng child-friendly at child-sensitive na bansa.