Dalawang kongresista sa U.S., ipapa-ban ni Pangulong Duterte sa Pilipinas
Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na iba-ban at hindi papapasukin sa Pilipinas ang dalawang mambabatas mula sa Amerika na humihirit kay U.S President Donald Trump na ungkatin ang usapin sa human rights oras na magkaharap na sila ng punong ehekutibo sa ASEAN Summit.
Ayon sa pangulo, kung hindi siya gusto ng dalawang mambabatas hindi rin niya gusto ang mga ito.
Bagamat hindi binanggit ng pangulo ang pangalan, ang tinutukoy nito ay sina nina U.S. Congressmen James McGovern at Randy Hultgren na kapwa miyembro ng Democrat.
Ang dalawa ay sumulat kay Trump para busisiin ang human rights issue sa Pilipinas.
Ayon sa pangulo, aatasan niya ang Bureau of Immigration na isama sa listahan ang dalawang mambabatas ng mga bawal na pumasok sa Pilipinas.
Dagdag ng pangulo, dapat siyang pagsabihan kung paparating na ang dalawang mambabatas sa Pilipinas para agad siyang makapunta ng airport.
Sinabi pa ng pangulo na masyadong malakaas ang loob ng dalawang mambabataas na paghinalaan siyang gustong makapunta sa Amerika.
“They will, dalawang senador, they will protest… they will lead the… when I go there. Sabihin ko sa kanila, you are too presumptuous. What made you think that I am even planning or thinking about visiting your country? And I’d like to know their names also because I can include them in the Immigration barred list. You are also prohibited from entering mine. Or I will protest if that is the farthest that I can go.,” ayon sa pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.