Truck at closed vans, bawal na sa ilang pangunahing lansangan mula bukas, Nov. 11 dahil sa ASEAN

By Dona Dominguez-Cargullo November 10, 2017 - 03:20 PM

Simula bukas, November 11, babawalan na ang mga truck at closed van sa pagdaan sa maraming pangunahing lansangan.

Bahagi ito ng security measures na ipatutupad para ASEAN Summit.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang lahat ng trucks at closed vans ay bawal sa mga sumusunod na kalsada mula November 11 hanggang 15:

  • EDSA – mula Balintawak hanggang Magallanes
  • Roxas Blvd. – mula Buendia Ave. hanggang Ayala Blvd.
  • Burgos, Finance Road at Ayala Blvd. – mula Roxas Blvd. hanggang Carlos Palanca

Samantala, sa November 12 naman, mula alas 12:01 ng madaling araw, bawal na rin ang lahat ng trucks at closed vans na bumaybay sa kahabaan ng SCTEX at North Luzon Expressway.

Sinabi rin ng MMDA na maaring makaranas ng pagsisikip sa daloy ng traffic sa mga apektadong kalsada sa nabanggit na mga petsa.

Dahil dito, ang mga motorista ay pinapayuhan na maghanap ng alternatibong ruta.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Asean, closed van, NLEX, Radyo Inquirer, SCTEX, truck, Asean, closed van, NLEX, Radyo Inquirer, SCTEX, truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.