Stranded na pasahero sa Southern Tagalog dahil sa bagyong Salome, halos 2,000 na lang
By Dona Dominguez-Cargullo November 10, 2017 - 02:10 PM
Mayroon pang halos dalawang libong katao na strtanded sa mga pantalan sa Southern Tagalog dahil sa bagyong Salome.
Sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 1,899 na pasahero ang stranded sa Southern Tagalog.
Kabilang din sa stranded ang 222 na rolling cargoes, 27 barko at 8 motorbanca.
Mahigpit pa ring ipinatutupad ang Memorandum Circular Number 02-13 o guidelines sa paglalayag ng mga barko kapag masama ang panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.