Tatlong magkakasunod na aberya, naitala sa biyahe ng MRT

Tatlong magkakasunod na aberya ang naitala sa biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3) Biyernes ng umaga.

Ito ay isang araw matapos ideklara ng Department of Transportation (DOTr) na nabawasan ang mga aberya na naitala sa biyahe ng MRT-3 mula nang magtake-over ang pamahalaan sa pangangasiwa sa tren.

Sa abiso ng MRT, sa naitala ang tatlong magkakasunod na aberya sa pagitan ng dalawang oras mula alas 9:00 hanggang alas 10:59 ng umaga.

Unang naitala ang aberya sa Kamuning Southbound, kung saan pinababa ang mga pasahero, alas 9:00 ng umaga dahil sa nagkaproblemang tren.

Ang ikalawang aberya ay naganap makalipas ang anim na minuto o 9:06 ng umaga kung saan pinababa rin ang mga pasahero sa Ortigas Southbound.

Ang ikatlong aberya ay naganap sa Buendia Station Southbound.
Pinababa din ang mga pasahero ng tren alas 10:59 ng umaga dahil sa technical problem.

Ngayong buwan ng Nobyembre, noon lamang November 5 walang naitalang aberya sa biyahe ng MRT.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...