Lebanese at dalawang tauhan ng BI, arestado sa human trafficking

 

Inquirer file photo

Arestado ang isang Lebanese at mga kasapakat nito dahil sa pagkakasangkot sa isang human trafficking syndicate.

Pinaniniwalaang may iba mga kasangkot na mga tauhan ng Bureau of Immigration ang Lebanese na inaresto dahil sa pamumuno sa isang naturang sindikato.

Base sa impormasyon mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission, naaresto ang Lebanese na si Pascal Sreih alias ‘Kuya Mario’ kasama ang asawa nitong si Vilma Rose matagay gayundin ang dalawang Immigration personnel na sina Joey Escobar at Fedel Mendoza sa mga operasyon sa Zamboanga City, San Jose Del Monte City sa Bulacan at Caloocan City.

Lumalabas na naghihikayat ang sindkato ng mga Filipina na nais mag- trabaho bilang domestic helper gamit lang ang Tourist Visa sa Malaysia, pagkatapos nito ay ipupuslit na sila sa Lebanon at sa iba pang bansa sa Europa.

Nabatid na naniningil din ang grupo ng mataas na placement fee. Unang itinuro si Sreih ng mga nailigtas na sampung biktima sa Zamboanga city noong nakaraang buwan at simula nito ay sinubaybayan na siya ng mga awtoridad.

 

 

Read more...