SA 11:00AM weather bulletin ng PAGASA, papalayo na ang bagyo at ngayon ay nasa bahagi na ng West Philippine Sea.
Huli itong namataan sa 175 kilometers West ng Subic, Olongapo.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.
Sa kabila ng paglayo ng bagyo, pinag-iingat pa rin ng PAGASA ang mga residente sa Central Luzon, Ilocos region, Cordillera at Cagayan Valley sa posibleng pagkakaroon ng flashfloods at landslides.
Nananatili ring delikado ang maglayag sa western seaboard ng Northern at Central Luzon.
Bukas ng umaga inaasahang tuluyan nang lalabas ng bansa ang bagyo.