Pulitika nasa likod ng NAPOLCOM list ayon sa ilang napangalanang alkalde

By Dona Dominguez-Cargullo November 10, 2017 - 10:55 AM

Pulitika ang nakikitang dahilan ng ilan sa mga alkaldeng napasama sa listahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) at inalisan ng kapangyarihan para pangasiwaan ang mga pulis na nakatalaga sa kanilang nasasakupan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Angeles City Mayor Edgardo Pamintuan na maarig mga kalaban niya sa pulitika ang nasa likod ng paninira.

Ilan din sa maaring nanira sa kaniya ayon kay Pamintuan ay ang mga tinatamaan ng kaniyang ipinatutupad na pagbabago sa lungsod.

Dismayado si Pamintuan sa NAPOLCOM sa agad-agad na paglalabas ng listahan nang tila hindi man lamang nagsasagawa ng beripikasyon.

Ayon kay Pamintuan, nakausap niya na si Special Assistant to the President (SAP) Sec. Bong Go hinggil sa isyu at sinabi nitong hindi galing sa Malakanyang ang listahan.

Dagdag pa ni Pamintuan, makailang ulit na siyang na-clear mismo ni Pangulong Duterte sa usapin ng droga at hindi naman siya pagtitiwalaan ng pangulo kung totoong sangkot siya sa illegal drugs.

Samantala, sinabi naman ni Subic, Zambales Mayor Jefferson Khonghun na maaring pulitika din ang dahilan ng pagkakasabit ng kaniyang pangalan sa listahan.

Ayon kay Khonghun, nagsimula na kasing kumalat ang mga balita ng kaniyang pagtakbo sa mas mataas na posisyon dahil last term na niya ngayon bilang mayor.

Nagtataka din si Khonghun kung paanong nasabi na siya ay protektor ng illegal drugs trade sa lugar gayung ang Subic ay pinarangalan pa ng Philippine National Police noong 2016 bilang “Best Implementor” ng Oplan Tokhang.

Sa kabila ng naging pasya ng NAPOLCOM, sinabi ni Khonghun na mananatili ang pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa pulisya sa kanilang lugar para sa kapakanan ng mga residente doon.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Angeles City, ed pamintuan, governors, Illegal Drugs, jefferson khonghun, local government units, Mayors, NAPOLCOM list, subic zambales, Angeles City, ed pamintuan, governors, Illegal Drugs, jefferson khonghun, local government units, Mayors, NAPOLCOM list, subic zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.