Tatlong sasakyan nabagsakan ng gumuhong pader ng ospital sa QC

Kuha ni Mark Makalalad

Nasira ang ibabaw ng tatlong sasakyan makaraang mabagsakan ng gumuhong pader sa harap ng Quirino Memorial Medical Center (QMMC) sa Quezon City.

Halos 30-metro ang haba ng pader na bumigay na ayon sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council ay naganap sa kasagsahan ng malakas na ulan dulot ng bagyong Salome.

Ayon Supt. Ariel Capocao, Station 8 commander ng QCPD, posibleng lumambot ang lupa na dahilan ng pagguho ng pader.

Bukod sa mga gasgas ay nabalot ng putik at lupa ang mga sasakyan na kulay gray na Fortuner, kulay puti na Avanza at maroon na Innova na pawang mga nakaparada lang sa labas ng P. Tuazon Blvd.

Agad naman na binakuran ang mga sasakyan na tinamaan at nilinis ang lugar.

Wala naman naitalang sugatan sa aksidente habang inaalam pa kung may panangutan ang ospital sa nangyari.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...