DPWH budget, may lump sum-Singson

By Isa Avendaño-Umali September 16, 2015 - 02:56 PM

Inquirer file photo

Mismong si Department of Public Works and Highways o DPWH Secretary Rogelio Singson ang umamin na may 500 million pesos na lump sum sa kagawaran sa ilalim ng 2016 Proposed National Budget.

Sa pagdinig ng House Appropriations Committee, sinabi ni Singson na ang naturang lump sum ay nakalaan para sa pagpapatayo at repair ng mga district office ng DPWH.

Paliwanag ni Singson na lump sum pa ito dahil hindi pa matukoy ang mga gusali nila na mangangailangan ng repairs.

Ayon pa sa kalihim, nakakahiya na ang ilang DPWH district offices dahil tumutulo ang mga kisame, at sira ang mga banyo.

Ang DPWH aniya ang taga-gawa ng mga infrastructure project ng gobyerno subalit ang mismong opisina nila ay panay mga sira at mababaho.

Sa kabila nito, umani naman ng papuri si Singson mula sa mga kongresista.

Hindi na rin masyadong nagtanong ang mga mambabatas sa Kalihim  at sa halip ay nagpasalamat sa kalihim dahil sa mga proyektong naisakatuparan sa mga distrito.

May humirit pang mga kongresista na dapat daw tumakbong Senador si Singson sa 2016 Elections.

Nagkataon din na kaarawan ni Singson ngayong araw, pero piniling dumalo sa hearing ng panukalang pondo ng DPWH na aabot sa 378 Billion Pesos.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.