Ayon kay Vatican spokesman Greg Burke, ayaw aniyang kunsintihin ng Santo Papa ang maling gawi ng paninigarilyo na lubhang nakakaapekto sa kalusugan ng tao.
Sa kasalukuyan, nasa 5,000 empleyado at retired staff ang pinapayagang bumili ng sigarilyo sa duty-free shop and supermarket ng Vatican.
Tinatayang nasa 11 milyong dolyar ang ibinibigay na kita nito sa estado kada taon.
Gayunpaman, ayon kay Burke, walang anumang halaga ang sapat kung ang kapalit nito ay buhay ng mga tao.
Binanggit ng opisyal ang datos mula sa World Health Organization (WHO) na nagsasabing nasa pitong milyong katao ang namamatay dahil sa paninigarilyo kada taon.
Ani Burke, marahil isa itong sakripisyo para sa Santo Papa dahil ang mga sigarilyo ay “source of revenue” ngunit mas mahalagang gawin ang tama.
Si Pope Francis na hindi naninigarilyo ay natanggalan na ng baga noong siya ay binata pa.