Bagyong Salome, napanatili ang lakas; mga lugar na nakasailalim sa storm warning signals, nabawasan na
Napanatili ng bagyong Salome ang lakas nito habang kumikilos sa karagatan ng Zambales at Bataan.
Sa weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa 55 kilometers Southwest ng Subic, Zambales.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 100 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.
Sa ngayon nakataas ang public storm warning signal number 2 sa Bataan at Southern Zambales.
Habang Signal number 1 naman sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Cavite, Batangas, nalalabing bahagi ng Zambales at sa northern Occidental Mindoro.
Ayon sa PAGASA, maghahatid pa rin ang bagyong Salome ng malalakas na buhos ng ulan sa nasasakupan ng 250 kilometer diameter nito.
Inalerto din ng weather bureau ang mga residente sa mga lugar na may nakataas na storm warning signals na maging alerto sa posibleng pagkakaroon ng flashfloods at landslides.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.