Saudia Arabia, ipinag-utos sa mga mamamayan nito na lisanin ang Lebanon
Agarang ipinag-utos ng pamahalaan ng Saudi Arabia sa mga mamamayan nito na lisanin ang bansang Lebanon at pinayuhang huwag tumungo rito.
Nagsimula ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa matapos ang pagbibitiw ni Lebanese Prime Minister Saad al-Hariri sa kanyang pwesto noong Sabado.
Si al-Hariri na kilalang malapit sa Saudi Arabia ay nagresign dahil sa umano’y banta sa kanyang buhay.
Inaakusahan ng Saudi ang “Hezbollah”, isang militanteng Lebanese group at sinasabing suportado ng Iran na magpapalipad ng missile mula Yemen.
Nangangamba ang maraming Lebanese na naiipit ang kanilang bansa sa mas lalim na away ng Saudi Arabia at ng pinakamalaking competitor nito sa rehiyon – ang Iran.
Ilang political groups naman ang nananawagan sa pagbabalik ni Hariri at iginiit na nagresign lamang ito dahil sa pressure ng mga taga-Saudi.
Ilang oras matapos ang utos ng Saudi Arabia ay naglabas na rin ng travel advisory laban sa Lebanon ang kakamping bansa nito na Kuwait.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.