Metro Manila, ikatlo sa Asya na may pinakamalalang lagay ng trapiko – survey

By Rhommel Balasbas November 10, 2017 - 03:35 AM

 

Inquirer file photo

Ikatlo ang Metro Manila sa “worst cities” sa Asya kung saan naitatala ang pinakahamabang oras na iginugugol ng mga tao sa lansangan bunga ng masikip na daloy ng trapiko.

Ito ang lumalabas sa survey na ikinomisyon ng ride-sharing company na Uber.

Sa nasabing survey, lumalabas na ang longest average time na iginugugol ng mga tao sa Metro Manila sa tuwing maiipit sa trapiko ay 66 na minuto.

Ikatlong pinakamalala ito na sinusundan ang nangungunang Bangkok, Thailand na may 72 minutes at Jakarta, Indonesia na may 68 minutes.

Sinusundan naman ng Hanoi, Vietnam at Kuala Lumpur, Malaysia ang Metro Manila na may 58 at 53 minutes.

Kasama rin sa isinagawang survey ang average time na iginugugol ng mga tao upang makahanap lamang ng parking o pagpaparadahan ng sasakyan.

Muling nakasama ang Maynila sa listahan ng kategoryang ito na nasa ikaapat na pwesto, ka-tie ang Bangkok sa average time na 24 minuto.

Kapwa nangunguna naman ang mga lungsod sa Vietnam na Hanoi at Ho Chi Minh na may 45 at 31 minutes at sinundan ng Hong Kong at Kuala, Lumpur sa ikatlong pwesto na may 25 minuto.

Ayon sa Uber, naiipit ang mga residente sa Metro Manila ng 402 oras kada taon o aabot sa 25 araw kung susumahin.

Lumalabas sa naturang survey na apat sa limang mga sasakyan ang nahuhuli sa mga importanteng events.

Nangunguna rito ang appointments ng mga doctor na sinundan ng mga job interviews.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.