Pangulong Duterte, palalayain ang 10 Vietnamese poachers na nahuli sa Palawan

By Rhommel Balasbas November 10, 2017 - 03:25 AM

 

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na pakakawalan ang 10 mangingisdang Vietnamese na nahuli sa karagatang sakop ng Tapyutan Island malapit sa El Nido, Palawan noong Agosto.

Kasunod ito ng naging pagpupulong sa pagitan ni Duterte at ni Vietnamese President Tran Dai Quang sa kasagsagan ng 25th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pakakawalan ang mga mangingisdang Vietnamese bago magtapos ang buwan.

Matatandaang nasamsam ng Philippine Navy ang nasa 70 piraso ng mga pating mula sa mga Vietnamese na nagtangka noong tumakas.

Ani Roque, umaaasa rin anya ang Pangulo na mareresolba ng dalawang bansa ang isyu sa China tungkol sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.

Humingi rin ng paumanhin ang pangulo sa pagkakapatay sa isang Vietnamese na nabihag ng Abu Sayyaf Group.

Iginiit ng pangulo na bibigyan niya ng hustisya ang pagkamatay nito at pananagutin ang mga may sala.

Ayon pa kay Roque, bilang ganti, nangako rin si Quang na magbibigay ng 200 metric tons ng bigas para sa mga biktima ng giyera sa Marawi.

Nauna na ngang binati ni Pangulong Duterte ang pangulo ng Vietnam sa matagumpay na hosting nito sa APEC.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.