VACC kinastigo ang Ombudsman dahil sa ‘mahinang’ kaso laban kay Noynoy Aquino

By Jay Dones November 10, 2017 - 02:36 AM

 

Kinastigo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang anila’y malabnaw na reklamong isinampa ng Ombudsman laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III sa Sandiganbayan.

May kinalaman ang naturang reklamo sa trahedya ng Mamasapano incident noong January 25, 2015 kung saan nasa 44 na miyembro ng PNP-Special Action Force ang nasawi sa Mamasapano, Maguindanao.

Ayon kay VACC spokesperson Arsenio Evangelista, sinadya ng Ombudsman na ihain ang reklamo upang pangunahan ang kanilang inihahandang petisyon sa Korte Suprema.

Sa ilalim aniya ng petisyon, kanilang kukuwestyunin sana kung bakit mga kasong usurpation of authority at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act lamang may pananagutan ang dating pangulo.

Bukod dito, hindi rin aniya nakasuhan si Aquino dahil sa pagkamatay ng 44 na SAF officers at sa halip, inirereklamo lamang ito dahil sa pagpayag na pangunahan ni dating PNP Chief Alan Purisima ang Oplan Exodus na operasyon para mahuli ang teroristang si Marwan.

Una rito, kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide ang inihaing reklamo ng VACC at mga kaanak ng SAF 44 laban kay Aquino.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.