Militarisasyon sa South China Sea, idudulog ni Duterte kay Xi Jinping

By Jay Dones November 10, 2017 - 02:03 AM

 

Idudulog ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isyu ng militarisasyon ng China sa South China Sea sa oras na makapanayam na nito si Chinese President Xi Jinping.

Sa isang press conference sa Da Nang Vietnam, sinabi ng Pangulo na kanyang isusulong sa China na magtaguyod ng Code of Conduct na maaring pagkasunduan ng mga bansang pare-parehong umaangkin sa ilang lugar sa South China Sea.

Bilang Chairman aniya ng ASEAN Summit, kanyang ihahayag ang pagkabahala sa sitwasyon sa naturang lugar.

Kanyang hihingin aniya ang katiyakan sa pangulo ng China na mananatiling malaya ang paglalayag at pagdaan ng mga barko sa naturang lugar.

Pero giit ng pangulo, hindi nito nais na mawala ang pakikipagkaibigan nito sa China.

Ang China aniya ay isang mabuting kaibigan ng Pilipinas at kailangan ng bansa ang tulong nito.

Sa Sabado, nakatakdang magharap sa isang bilateral meeting sina Pangulong Duterte at Preisdent Xi Jinping.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.