Sa pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, inamin ni Comelec Commissioner Christian Robert Lim na ang naturang impormasyon ang rason kung bakit inilipat ng komisyon ang pagmanufacture ng mga voting counting machine mula China sa Taiwan.
Kinumpirma ni Lim na natanggap nila ang impormasyon noong Hunyo pa at mula ito sa isang Commissioner na may koneksyon sa China.
Hindi raw nila ipinaalam ito sa gobyerno at sa halip ay nagpasya na lamang ang Comelec sa isang en banc session na ilipat ng Smartmatic ang pag-manufature sa mga makina sa Taiwan.
Tiwala naman si Lim na may kakayahan ang Taiwan na buuin at tapusin ang mahigit sa 90,000 na voting/counting machines na gagamitin sa halalan sa susunod na taon.