Patuloy naman na nasa orange rainfall warning ang mga lalawigan ng Cavite, Laguna, at Quezon at posibleng magkaroon ng mga pagbaha sa naturang mga lugar.
Yellow rainfaill warning naman ang nakataas para sa probinsya ng Batangas at Rizal, maging ang mga lungsod sa Metro Manila.
Lumakas ng bahagya ang hanging dala ng naturang bagyo sa lakas na 55kph malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 90kph.
Sa ngayon, nakataas ang signal number 1 sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Southern Zambales, Rizal, Bataan, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, Ticao at Burias Islands, Romblon, Marinduque, Quezon, Laguna, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, at Occidental Mindoro.