Bagyong Salome, nag-landfall na sa San Juan, Batangas

By Justinne Punsalang November 09, 2017 - 08:45 PM

Tumama na sa kalupaan ng San Juan, Batangas ang Tropical Depression Salome bandang alas siyete ng gabi.

Patuloy naman na nasa orange rainfall warning ang mga lalawigan ng Cavite, Laguna, at Quezon at posibleng magkaroon ng mga pagbaha sa naturang mga lugar.

Yellow rainfaill warning naman ang nakataas para sa probinsya ng Batangas at Rizal, maging ang mga lungsod sa Metro Manila.

Lumakas ng bahagya ang hanging dala ng naturang bagyo sa lakas na 55kph malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 90kph.

Sa ngayon, nakataas ang signal number 1 sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Southern Zambales, Rizal, Bataan, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, Ticao at Burias Islands, Romblon, Marinduque, Quezon, Laguna, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, at Occidental Mindoro.

TAGS: Bagyong Salome, Landfall, Pagasa, Bagyong Salome, Landfall, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.