Bagyong Salome, papalapit na sa Quezon at Marinduque
Patuloy ang pagkilos ng Bagyong Salome sa direksiyong Kanluran Hilagang Kanluran habang papalapit ito sa mga probinsiya ng Quezon at Marinduque.
Huling namataan ang Bagyong Salome sa layong 65 km Timog Kanluran ng Pili, Camarines Sur.
Nasa 55 kph ang dalang hangin nito at may pagbugso na aabot sa 90 kph.
Kumikilos ito sa direksiyong Kanluran Hilagang Kanlura sa bilis na 25 kph.
Nakataas ang Signal Number 1 Rizal, Bataan, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands, Romblon, Marinduque, Quezon, Laguna, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro at Metro Manila.
Inaasahan na mula sa katamtaman hanggang sa mabigat na pag-ulan ang mararanasan sa loob ng 250 km diameter ng naturang bagyo.
Inaabisuhan ang mga residenteng nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Warning Signal Number 1 maging ang kanlurang bahagi ng Central Luzon na maging alerto sa posibleng mga pagbaha at mga landslides.
Lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Salome umaga ng Sabado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.