Bam Aquino: SUCs, walang kokolektahing tuition ngayong 2nd semester
Walang kokolektahing tuition fee ang nasa 112 state universities and colleges (SUCs) ngayong second semester ng taong ito.
Ayon kay Aquino ito ay kinumpirma sa kanya ng Commission on Higher Education (CHED).
Aniya sisiguruhin ng kanyang staff kung sumusunod ba sa batas ang mga SUCs.
Una ng inaasahan na ang Republic Act (RA) 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act ay sisimulang ipatupad sa susunod na school year 2018-2019.
Nakasaad sa batas na libre ang edukasyon ng mga estudyante sa mga SUCs, lokal na mga unibersidad at mga kolehiyo at maging ang mga TESDA-run vocational schools.
Bukod dito tuition fee at sasagutin din ng gobyerno ang iba pang mga miscellaneous at mandatory fees habang ang mga scholarship grants ay bukas sa pampubliko at pribadong mga kolehiyo at uniberisdad.
Kasama din dito ang bagong student loan program kung saan maaring mag-apply ang mga mag-aaral para sa iba pang gastusin sa pag-aaral.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.