Kung tutuusin, ayon kay Sen. Drilon, ay hindi na siya dapat pang magkomento ukol sa nabanggit na isyu.
Sina Drilon at maging si dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, na parehong kasapi ng Liberal Party ay itinuro bilang protektor umano ng ilegal drug trade sa Western Visayas Region.
Ang nabanggit na akusasyon ay nakapaloob sa sinumpaang salaysay ng drug syndicate bagman na si Rick Serenio.
Nauna ng pumalag ang Liberal Party at ilang mga kasapi nito matapos na iugnay sa ilegal na droga si Roxas at Drilon.
Iniuugnay din ng administrasyon ang oposisyon sa umanoy planong destabilisasyon para patalsikin sa pwesto si Pangulong Duterte.