Sen. Gordon, walang kinalaman sa implementasyon ng mga proyekto ng Red Cross gamit ang pondo ng DSWD

Matapos akusahan ni Senator Antonio Trillanes IV si Senator Richard Gordon ng pag-divert ng kaniyang pork barrel sa Philippine Red Cross (PRC), naglabas ng pahayag ang organisasyon.

Ayon sa PRC, sila ay nakatatanggap ng mga donasyon para sa recovery at developmental projects mula sa pribadong sektor at matagal na rin nilang ka-partner sa mga humanitarian work ang gobyerno.

Sinabi ng PRC, lahat ng kanilang programa at prooyekto ay sumasailalim sa regular external audit taun-taon na isinusumite pa sa International Federation of Red Cross (IFRC) headquarters at kabilang ang PRC sa mga most compliant member societies sa buong bansa.

Sa alegasyon hinggil sa pag-divert o maling paggamit ng PDAF funds, sinabi ng PRC na marahil ang tinutukoy dito ay ang proyekto ng organisasyon kung saan sila ang nagsilbing implementing agency para sa DSWD.

Wala umanong partisipasyon si Gordon sa pagpapatupad ng ng proyekto at maging sa pag-disburse ng pondo na tinanggap noon ng PRC mula sa DSWD.

Nagsumite naman umano ang PRC ng karampatan at kumpletong liquidation reports sa DSWD at nasagot ang mga katanungan hinggil sa liquidation process.

Sinabi ng PRC na ibinase sa misleading at outdated facts ang mga alegasyon ni Trillanes.

“We can show without fear of contradiction that the PRC remains a trustworthy and dependable humanitarian organization that is committed to save lives and help the most vulnerable and come out clean in the end,” depensa ng PRC.

Ang pahayag na inilabas ng PRC ay nilagdaan ng kanilang secretary general na si Oscar Palabyab.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...