Naganap ang pagyanig alas 10:13 ng umaga at naitala ito sa 63 kilometers east ng bayan ng Cateel.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), 7 kilometers lamang ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Dahil sa may kababawan ang lindol, naramdaman ang intensity 3 sa mga bayan ng Cateel at Boston, Davao Oriental.
Batay sa intensity scale ng Phivolcs, ang intensity 3 ay may category na ‘weak’ pero mararamdaman ng mga tao na nasa upper floors ng mga gusali. Maihahalintulad ang mararamdamang vibration sa pagdaan ng isang malaking truck.
Ayon sa Phivolcs, wala namang inaasahang aftershock o pinsala na maidudulot ang nasabing lindol.
MOST READ
LATEST STORIES