Hindi bababa sa apat na sundalo ang nasawi habang apat na iba pa ang sugatan sa isang engkwentro sa Basilan.
Kinumpirma ni Lt. General Carlito Galvez, commander ng Western Mindanao Command, ang pagkakasawi ng mga sundalo na mula sa 18th Infantry Battalion.
Naka-engkwentro aniya ng mga sundalo ang ilang miyembro ng Abu Sayyaf Group.
Naganap ang sagupaan sa Barangay Cabengbeng, bayan ng Sumisip sa Basilan.
Ikinalungkot naman ni Galvez ang pagkakalagas ng apat sa kanyang mga sundalo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.